Telephone Nos.
(+6344) 794-0202
(+6344) 794-0543
(+6344) 794-1823
(+6344) 794-1664
(+6344) 794-3921
(+6344) 794-0016
 

Announcement

To: All Guiguinteños

There will be an upcoming Job Fair for Local and Overseas Employment on November 28, 2008 (8:00 am) at Guiguinto Municipal Athletic and Cultural Center (GMACC). Please bring resume with picture.

From: Municipality of Guiguinto

 

ACTIVITIES

Breast Cancer Awareness Seminar

Requirements

Business Permit | Building Permit | Health Certificate | Marriage License | Senior Citizen Card | Late Registration | Police Clearance | Mayor's Clearance |

Profile
HISTORICAL GLIMPSE HISTORICAL EVENTS LEGENDS
NATURAL& PHYSICAL SOCIO-ECONOMICS DEMOGRAPHY

 

Ang Alamat ng Barangay

Cutcut

Dating sityo ng Pulong Gubat ang tinatawag na Cutcut ngayon. Ang namumuno rito ay Cabeza de Baranggay. Nang dumami na ang naninirahan dito’y ginawa na nilang baryo ang lugar na ito. Nagbuhat ang pangalan na baryo sa pamamaraan ng mamamayan sa pagkutkut ng mani sa pamamagitan ng pinatulis na kawayan. Naging bahagi na ito ng kanilang pampalipas-oras na gawain. Masaya sila sa gawain na ito. Simula noong naging “Kutkut” na ang pangalan ng lugar na ito.
   

Daungan

Ang nayon ng Daungan ay matatagpuan sa gawing hilaga ng bayan ng Guiguinto. Ito ay may limang kilometro ang layo mula sa kabayanan. Ang nayong ito ay may malawak na tinatamnan ng palay na siyang kinabubuhay ng mga taong naninirahan sa nayong ito. Ang mga bahay sa dalawang baybaying ilog. Sang-ayon sa ilang matanda sa nayong ito, ang malawak na bukirin dito ay may-ari ng ilang mayayamang taga Obando. Tuwing sasapit ang buwan ng pag-aani ng palay ay dinadala ito sa tabi ng ilog, upang doon sa daungan ng mga bangkang maghahtid ng palay sa bayan ng Obando. Mula noon, ang nasabing nayon ay nakilala sa pangalang Daungan. Sapagka’t iyon ay Daungan ng mga bakang nanggagaling sa mga karatig bayan.
   

Ilang-Ilang

Ang pangalang ILANG-ILANG ay hango sa salitang “ALANG-ILANG” na ang ibig sabihin ay “WALANG ILANG”. Sang-ayon sa mga matatanda na naninirahan doon ang pangalang “ALANG-ILANG” ay kinuha sa pisikal na kaanyuan ng lugar na yaon. Ng makalipas ng mga taon ay ilang bahay lamang ang nakatayo sa maluwang na mga bakuran at ang mga pagitan ay matatamnan ng mga punong kahoy at mga gulay. Ang lugar na ito ay ginawang Hacienda Alang-Ilang noong unang panahon ng Kastila. Sinasabi ng mga tao na ang salitang “Alang-Ilang” ay nangangahulugan na walang bakanteng lupa kahit kakaunti lamang ang bahay, ang mga bakuran ay maraming tanim ng punong Ilang-Ilang. Hindi lamang nagsisilbing lihim ang punong ilang-ilang ay tulong pangkabuhayan sa katayuan ng mga tao. Ang mga bulaklak ng Ilang-Ilang ay ipinagbibili sa murang halaga.
   

Malis

Naiiba ang alamat ng Malis. Noong unang panahon, ito ay Poblasyon. Wala pa itong pangalan ngunit may bisita/bahay dalanginan na rito. Nang magsimula na ang paggawa ng daan noong 1673 ipinasya ng kura parokong ilipat ang bisita sa malapit na daanan. Inialis na nila ang bisita sa gitna ng bukid kaya ang salitang “Malis” ay galling sa “Inialis”. “Inialis” sa pook na iyon ang bisita o “Malis” na sila roon.
   

Panginay

Kilala ito sa tawag na “Pangina’y na Munti” hanggang sa kasalukuyan. Nagsimula noong panahon ng mga kastila. Sinasabing lubhang mapanganib ang lugar na ito sapagka’t kahit sino ang dumaan ditto ay pinapatay ng mga kastila ng walang tanung-tanong. Dahil ditto tinawag itong “Mapanganib na Lugar” ng mga taga-roon na kung saan ang salitang Panginay ay nagsimula.
   

Poblacion

Ito ang pinakasentro ng bayang ito. Makikita dito ang simbahan, munisipyo, Paaralang Sentral, St. Martin de Porres Catholic School, Pambayang Libingan, mga pagawaan ng mga Makabagong Kultihan ng balat (IPC), apat na malalaking biluhan, tablerya, mga tindahan ,restoran, isang bagong sabungan at “Mini Mart”.
   

Pulong Gubat

Noong unang panahon ang anyong ito ay isang pook na pulo-pulo ang mga gubat o pulu-pulotong na siyang pinangangahuyan ng mga taga rito. Nang dumating ang mga Kastila sa ibat-ibang panig ng Pilipinas. Naglibot hangang sa sila ay mapabanda sa pook na ito. Sa kanilang paglalakad, sila ay napagod kaya sila ay nagpahinga sa lilim ng mga punong kahoy sa isa sa mga pulong magubat. Nakakita sila ng isang taong nangangahoy. Nilapitan nila ito saka nagtanong sa kanilang wika kung ano ang pangalan ng lugar na kinaroroonan nila. Naunawaan ng kausap nila ang ibig sabihin kaya’t sumagot na “ito’y pulo ng gubat”.
   

Pritil

Walang record tungkol sa pagkakatatag ng pook na tinatawag na Pritil sa ngayon. Sinasabing ang mga mamamayan sa pook na ito’y galing sa Sta. Rita, pinaghati nila ang pook: Sta.Rita ang higit na malaki at Pritil ang maliit na bahagi. Wala pang pangalang Pritil noon. Noong panahong iyon nagtayo ang mga kastila ng pamigil ng daloy ng tubig sa batis. Tinatawag ito ng mga Kastilang “Prinza” na naging “Pritil” ng lumaon. Naging popular ang itinatayong pamigil tubig ng mga Kastila sa katawagang “Pritil”, kaya ngayon ito na ang tinatawag na Pritil.
   

Sta. Cruz

Ang makasaysayang lugar ng Sta. Cruz ay natatangi sa lahat ng barangay sapagkat mismong sa pook na ito naganap ang malagim na masaker na ginawa ng mga Kastila sa maraming Pilipinong kanilang pinatay ng walang kalaban laban. Sinasabing pitong(7) karitong mga patay ng Pilipino ang dinala sa Bulakan, Bulakan na s’yang kabisera ng lalawigan. Sinasabi ring ang bawat pamilya ay nagtirik ng kanya-kanyang krus sa lugar ng pinangyarihan. Simula noon ay may Crus na naging pangalan ng lugar hanggang gawin na itong Sta. Cruz na dating sakop ng Tabang. Sa lugar ding ito namatay ang isang anak ni Gobernador Jose Padilla Fernandez na si Maria Clara Ruiz Padilla na nasabugan ng bomba. Siya’y asawa ni Direktor Gregorio Fernandez ng LVN. Dito rin sa lugar na ito ay tinambangan ni Komandante Anastacio Jose ang isang pangkat ng Hapones at nakakuha sila ng 5 drum ng Gasolina at nakapatay ng 7 Hapon, Setyembre 20,1944.
   

Sta. Rita

Isa sa pinagpalang nayon sa Guiguinto ay ang Sta. Rita. Sapagkat ayon sa isang matandang taga-roon, noon daw unang panahong lumalaganap ang salot at gutom, ang nayon ng Sta. Rita ang nakasaksi ng isang kahima-himalang pangyayari. Dahil sa pagiging deboto ng mga tao sa patron ng nayon na si Sta. Rita, nakita na lamang nila na ang punong kahoy bagamat tuyo na at walang dahon ay naging hitik sa bunga na siyang ipinagtawid–gutom ng mga tao sa nayon. Hindi man kapanipaniwala ang naganap, ang katotohanang ito sa pamamagitan ng tulong ng “Santa ng mga Imposible” si Sta. Rita ay siya na ring ipinangalan sa nayong ito noong taong 1850 na noong una ang itinuturing na patrona o pintakasi sa mga bagay na hindi mangyayari o ng mga taong nawawalan ng pag-asa.
   

Tabang

Noong panahon ng mga Kastila ay walang sasakyang de motor kaya’t ang mga tao ay palakad lamang o sa bangka kung pumunta sa nayong ito buhat sa Maynila. Sila ay uhaw-na-uhaw. Huminto sila at nakiinom. Nang iyabot sa kanila ang inumin ay nagtanong, “anong lugar ito?” Sa wikang Kastila. Akala ng kausap ay tinatanong kung ano ang lasa ng tubig. Ang isinagot niya ay “Tabang”. Buhat noon ay tinawag ang lugar na ito na “tabang”.
   

Tiaong

Ayon sa ilang matatanda noong unang panahon o kapanahunan nila ay mayroon lamang isang maliit na tindahan sa anyong ito. Dito ang bilihan ng lahat ng mga taga nayon. Ang tindera ay napakabait. Walang taga nayon na hindi nakakautang sa kanya. Dahil dito’y napamahal siya sa kanyang mga kanayon, kamaganak man o hindi ay nakagawian na siyang tawaging Tiang-Manang. Ang mga nanggagaling patungo sa tindahan ay ganito ang kanilang karaniwang batian: “Saan ka nanggaling?” Sa Tiang, ikaw saan ka papunta? Sa Tiang”. Nang namatay ang may-ari ng tindahan , ang kaisa-isang anak na lalaki ang humalili. Ito ay tinawag namang Tiong.
   

Tuktukan

Ang pangalang Tuktukan ay buhat sa isang kaugaliang laging nagaganap sa lugar na ito. Ang lugar na ito ay mahilig sa mga patibayan ng balat ng itlog ng manok, pato, itik at binggala. Nagkakaroon sila ng pustahan o bigay premyo kung Mahal na Araw, ang patibayan ng itlog ay ginagawang laro sa harapan ng bisita, samantala ang mga babae ay nagpapataasan onagpapagandahan ng tinig sa pagbasa ng Mahal na Pasyon ng Panginoong Hesukristo sa iba’t ibang istilo at tono sa kanilang duheto o maramihan. Isang araw, samantalang nasa kainitan ang pagbabasagan ng itlog, ay may napasyal na mga sundalong Kastila sa harapan ng bisita ng pook na ito. Itinanong ng mga sundalo kung ano ang kanilang ginagawang yaon. Sumagot ang mga tao at nagsabing “Tuktukan ng itlog”. Noong araw ding yaon ang akala ng mga Kastila ay iyon ang pangalan ng pook ng Tuktukan. Sapagkat Tuktukan sa mga Kastila, naging Tuktukan narin sa mga Pilipino ang pangalan nito.